Narito ang imahe ng dibuho o painting na pinamagatang "Family Picture" ni Emmanuel Garibay. Makikita rito ang isang pamilyang kuntento at nasisiyahan sa kanilang kasalukuyang kalagayan. Sa tradisyunal na pamamaraan, inilalarawan ang pamilya na binubuo ng mga miyembrong nagmamahal at nag-aalaga sa isa't isa. Mahahalata naman sa dibuhong ito na ang batang anak ay inaalagaan ng kaniyang magulang. Makikita rin na inaakbay ng ama ang ina ng bata. Mula sa mga pisikal na katangiang makikita, masasabi nating nangingibabaw ang pagmamahal sa dibuhong ito. Ganito dapat ang isang ideyal na pamilya, na kung saan nagmamahalan ang bawat miyembro. Sa kanilang pagmamahal, nagbubunga ito ng kasiyahan, kaginhawaan, at kapayapaan sa pangunahing yunit ng lipunan.
No comments:
Post a Comment