Friday, July 6, 2012

BIG

     Masasabi kong adik akong manood ng mga laro Sa NBA, lalo na sa panahon ng taunang playoffs. Tuwing umaga, nakasubaybay ako sa anumang istasyong nagpapalabas ng mga laro. Tuwing may patalastas, kapansin-pansin ang patalastas ng NBA na "BIG." BIG? Isang salita lamang ito, subalit napakaraming dahilan kung bakit BIG o malaking bagay ang NBA. Ipinahahayag ito sa pamamagitan ng pagpapakita ng mga bidyo ng mahuhusay na manlalaro. Nakikita ang konsepto ng iba't ibang interpretasyon ng BIG o ng isang ideya ng tula. 


    Sa ika-6 na saknong ng "Payo sa Bumabasa ng Tula," mababaw natin ang iba't ibang anggulo sa pagtingin sa buto ng mangga. Gayundin ang BIG. Iisang bagay ang pinag-uusapan ngunit marami ang kahulugan.

 Isang patalastas ng "BIG."

1 comment:

  1. good. may paraan kaya na sa halip na link ay naka-embed na sa mismong journal ang video o larawan na gagamitin? para mas kaiga-igayang tingnan. - sir tenorio

    ReplyDelete